How To Make Disinfectant Using Sodium Hypochlorite/Bleach Solution


Mga hakbang sa paggawa ng iyong 0.5% sodium hypochlorite/bleach disinfectant solution para sa mga surfaces ng mga bagay-bagay:

1) Ipunin ang lahat ng mga materyales na kakailanganin. Siguraduhin na magtrabaho sa isang lugar na maaliwalas at may magandang bentilasyon.
2) Gumamit ng guwantes, apron at bota kapag humahawak at naghahanda ng mga solution ng bleach.
3) Ibuhos ang dami ng tubig na kinakailangan (sa isang plastik na lalagyanan) pagkatapos ay idagdag ang bleach:

Gamit ang bleach na may 5% na aktibong chlorine:

  • 1 ml bleach + 9 ml na tubig, o
  • 100 ml bleach + 900 ml na tubig
  • Gamit ang chlorine powder / granules / tablet na may 60-70% aktibong chlorine: 1 kutsara (20g) ng chlorine + 2L ng tubig


4) Lagyan ng label ang iyong mga lalagyan ng disinfectant at tukuyin ang konsentrasyon ng bleach.
5) Pwede nang gamitin ang disinfectant solution!

Paalala:
(a) Maghanda ng solusyon na bleach at tubig kada araw (upang mapanatili ang lakas nito).
(b) Mag-ingat sa paggamit ng bleach sa paghuhugas ng kamay. Ang sobrang paggamit ay maaaring maging sanhi ng dermatitis na maaaring magdulot ng malalang impeksiyon.
Iba ang may alam! Tuldukan ang COVID-19 sa inyong tahanan!

source: DOH

Comments